Tuesday, October 6, 2009

ABNKKBSNPLAko?! book review

I: Deskripsyon ng libro

Ang aklat na ito ni Bob Ong ay tungkol sa pag aaral ni Bob Ong mula bata bata hanggang kolehiyo at sa kanyang pagtratrabaho. Binanggit din dito ang tungkol sa buhay ng mga guro at estudyante ng pampublikong paaralan kung saan nanggaling ang may akda pati na rin ang pagpapahalaga ng edukasyon.

II: Nagustuhang parte ng aklat

"Nalaman kong hinde pala exam na may passing rate ang buhay. Hindi ito multiple choice, identification, true or false, enumeration, o fill-in-the-blanks na sinasagutan, kundi essay na isinusulat araw-araw. Huhusgahan ito hindi base sa kung tama o mali ang sagot, kundi base sa kung may kabuluhan ang mga naisulat o wala. Allowed ang erasures."

Nagustuhan ko ang linyang ito dahil nagawa nyang ikumpara ang buhay sa essay ng maayos at totoo sa buhay. Nagawan nya ng flawless na pagkukumpara ang kahalagahan ng buhay sa isang essay, isang bagay na di natin gaanong nabibigyan ng pansin dahil gusto natin makamit ang tamang sagot o yung layunin natin sa buhay nang di man lang binibigyang halaga ang buhay. Live life to the fullest ika nga nila, di mahalaga kung maganda ang ending ng essay mo o hinde, kung naging successful ka bang tao o hinde kundi kung nabigyan mo ba ng kabuluhan ang buhay na ipinagkaloob sayo.

III: Kongklusyon/ Reaksyon

Ang librong ita ay para sa lahat, mga guro, estudyante, mga dating nakapag-aral at sa lahat ng Pilipino; tulad ng nakalagay saunang parte ng aklat o yung dedication. Ang aklat ay madaling nakakuha ng atensyon sa kabataan dahil sa paraan ng pagpapahayag nito, hindi pormal at hindi rin napakabalbal, medyo matino at medyo may sayad ang tingin ng mangbabasa sa umpisa ngunit pagkatapos ng ilang pahina ay magbabago ang tingin mo. Sa umpisa ay puro kalokohan ang mababasa mo. Mapapaisip ka kung kinukuha nya atensyon mo o sadyang masochist lang ang nagsulat, anuman ang sagot ay nakuha nito ang atensyon natin at tanggalin ang bagot sa pagbabasa. Kumabaga puro walang kabuluhan ang mga nakalagay sa aklat pero ang mga walang kabuluhang bagay na yun ay nagawan ni Bob Ong ng paaran upang maging sensible at kapupulutan ng aral. Para sa akin ang gustong ipahiwatig ng aklat ay ang papel ng mga guro sa buhay natin at ang kahalagahan ng edukasyon, di lang ang edukasyong pang akademiko kundi pati ang mga aral ng buhay natin.

2 comments:

  1. Nakakapulot ng maraming aral ang librong ito. Sobrang relate ako��

    ReplyDelete